
Ang Nag-iisang Superstarnold
チャンネル登録者数 279人
6754 回視聴 ・ 67いいね ・ 2025/07/18
Si Dante Rivero, ipinanganak bilang Luisito Ramos Meyer Jr. noong Agosto 5, 1946, ay isang batikang Pilipinong aktor at film producer na nagging aktibo sa industriya mula pa noong 1967
Ang unang pelikula ni Dante Rivero ay ang "Batman Fights Dracula" noong 1967, kung saan ginampanan niya ang papel ni Dracula. Isa itong low-budget na pelikulang Pilipino na naging bahagi ng mga eksperimento sa genre ng horror at superhero noong dekada '60. Ito rin ang taon ng kanyang debut sa showbiz, na nagsimula sa mga papel na kontrabida at kalaunan ay lumawak sa drama, aksyon, at historikal na pelikula.
Kilala sa pagiging pribado sa personal na buhay, si Dante ay may pitong anak: Michael, JV, Danny Boy, Rosemarie, Dante Jr., Louisito, at Vangie. Bukod dito, isiniwalat kamakailan ng aktres na si Elizabeth Oropesa na siya at si Dante Rivero ay may anak na lalaki na ngayon ay nasa edad 40. Tinawag pa niya si Dante bilang kanyang “great love” at tanging lalaking minahal sa showbiz
Si Dante Rivero ay itinuturing na isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino, na may mahigit 50 taon ng kontribusyon sa sining at kultura ng bansa.
2024 FAMAS Iconic Movie Actor of Philippine Cinema
2022 Gawad Urian Best Supporting Actor Winner – On the Job 2: The Missing 8
2022 Pinoy Rebyu Awards Best Ensemble Performance- On the Job 2: The Missing 8
2019 Star Awards for Movies Lifetime Achievement Award
2019 Best Actor – Fantasporto International Film Festival (Portugal)- Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon
2014 Cinemalaya Independent Film Festival Best Actor-1st Ko Si 3rd
2008 LUNA Awards Best Supporting Actor-A Love Story
2002 LUNA Awards Best Supporting Actor -Larger Than Life
1986 FAMAS Best Supporting Actor – Sa Dibdib ng Sierra Madre
#RestInPeace #DanteRivero
コメント
使用したサーバー: directk
コメントを取得中...